Watch more in iWant or TFC.tv Aabot na sa P55 bilyon ang posibleng malugi ng meat industry sa pagpasok ng African Swine Fever sa Pilipinas, tantiya ng grupo ng mga meat processor.
Setyembre 9 nang magpositibo sa ASF ang blood samples ng ilang baboy na bigla umanong namatay sa di pa noong matukoy na sakit. Lalo namang paiigtingin ang seguridad sa paglilipat at pag-aalaga ng baboy, partikular na sa Pampanga at Bulacan, ayon kay Noel Reyes, tagapagsalita ng DA Nagbabala ang Department of Trade and Industry na dapat manatiling mababa ang presyo ng pork sa gitna ng pangamba sa African swine fever.