Chicharon ala-bagnet business, malutong na P150K kada buwan ang kita

  • 📰 gmanews
  • ⏱ Reading Time:
  • 26 sec. here
  • 6 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 28%
  • Publisher: 68%

Btb Nouvelles

Btbtalakayan,Chicharon Bagnet,Unang Hirit

Kasing lutong ng chicharon ang kita ng isang chicharon lover sa itinayo niyang chicharon business na nagsimula noong 2018, at kumikita na ngayon ng P150,000 kada buwan.

Sa programang Unang Hirit, ikinuwento ng "Chicharon ala-bagnet manufacturer" na si Wyeth Nobleza na mula sa Naic, Cavite, na isa siyang chicharon lover.Sa kaniyang negosyo, naghahanda sila ng 6,000 kilo ng balat ng baboy na mula pa sa Spain para makapaghanda ng 12,000 piraso ng chicharon kada buwan.

Matapos ang mabusising lutuin ang mga chicharon sa mainit na mantika sa loob ng 40 minuto, muli itong lulutuin pagkalipas ng dalawa hanggang tatlong araw at titimplahan ng secret ingredients. Mabibili ang kanilang 30 pieces na chicharon sa halagang P95.00, 60 pieces sa halagang P90.00, at wholesale price na 200 pieces sa halagang P85.00.

Ang bawat reseller naman ay maaaring kumita ng P40 hanggang P50 kada pack. Panoorin ang video kung papaano ito inihahanda.-- FRJ, GMA Integrated News

Nous avons résumé cette actualité afin que vous puissiez la lire rapidement. Si l'actualité vous intéresse, vous pouvez lire le texte intégral ici. Lire la suite:

 /  🏆 11. in BE
 

Merci pour votre commentaire. Votre commentaire sera publié après examen.

Belgique Dernières Nouvelles, Belgique Actualités