Bukod kay Neri Naig-Miranda, may isa pa umanong artista ang dawit sa reklamong syndicated estafa at paglabag sa Securities Regulation Code, ayon sa abogado ng mga nagrereklamo na nawalan umano ng perang ipinasok na puhunan sa kompanya na inendorso ng mga ito.
Ayon kay Labe, naingganyo ang kaniyang mga kliyente na magpasok ng puhunan na halos P90 milyon sa Dermacare dahil kay Neri at iba pang endorsers. Sa abisong inilabas ng SEC, sinabing hindi awtorisado ang Dermacare na mag-solicit ng investments dahil hindi ito nakarehistro at walang license to sell securities.