Sa programang Unang Hirit, ikinuwento ng "Chicharon ala-bagnet manufacturer" na si Wyeth Nobleza na mula sa Naic, Cavite, na isa siyang chicharon lover.Sa kaniyang negosyo, naghahanda sila ng 6,000 kilo ng balat ng baboy na mula pa sa Spain para makapaghanda ng 12,000 piraso ng chicharon kada buwan.
Matapos ang mabusising lutuin ang mga chicharon sa mainit na mantika sa loob ng 40 minuto, muli itong lulutuin pagkalipas ng dalawa hanggang tatlong araw at titimplahan ng secret ingredients. Mabibili ang kanilang 30 pieces na chicharon sa halagang P95.00, 60 pieces sa halagang P90.00, at wholesale price na 200 pieces sa halagang P85.00.
Ang bawat reseller naman ay maaaring kumita ng P40 hanggang P50 kada pack. Panoorin ang video kung papaano ito inihahanda.-- FRJ, GMA Integrated News