Kailangan niya ng trabaho dahil natigil din sa hanapbuhay ang kaniyang mga magulang, pero hirap siyang makahanap ng job opening na konektado sa kaniyang kurso.
Karamihan sa mga vacancy na hawak ngayon ng Department of Labor and Employment ay mula sa mga Business Process Outsourcing gaya ng 600 customer service agent na hinahanap ng isang BPO sa Maynila, at 600 naman sa Quezon City. Nangangamba naman ang Employers Confederation of the Philippines na aabutin pa ng 2022 bago makarekober ang mga negosyo dahil sa ilang bagay na hindi pa rin matugunan.
Target naman ng DOLE na mabigyan ng training ang mga jobseeker. Maaaring magparehistro sa Jobstart program ng DOLE na nagbibigay ng life skills at technical training. Mayroon ding internship at suweldo.