MAYNILA — Umabot sa 1,095 na market personnel at stall owners ang naipa-swab test ng Pasay City mula Marso 11 hanggang 16, kung saan 12 ang natuklasang positibo sa COVID-19. Tatlong beses kada araw dini-disinfect ang palengke para masigurong ligtas ang mga mamimili sa COVID-19. Sabi pa ng isang vendor, istrikto sila sa pagsunod sa health protocols dahil sa bantang ipasasara sila ng lokal na pamahalaan.
"Kami dito may social distancing, pag sinabi ng gobyerno, ginagawa namin kasi pag di namin pinatupad yan pinapasara ang aming tindahan," sabi ni alyas "Auring," isang vendor sa palengke. Sa huling tala ng Pasay City LGU, umabot na sa 877 ang active cases matapos makapagtala ng 97 panibagong kaso.