Senior Citizen Business Owner Killed in Candaba, Pampanga

  • 📰 gmanews
  • ⏱ Reading Time:
  • 55 sec. here
  • 7 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 42%
  • Publisher: 68%

Crime Nachrichten

Murder,Senior Citizen,Candaba

A 68-year-old senior citizen business owner was found dead in her office after being stabbed with five sharp nails by her attacker, who allegedly fled with a red bag containing P60,000 and a handgun.

Malagim ang sinapit ng isang negosyanteng senior citizen, na nasawi matapos pagsasaksakin ng kaniyang pahinante gamit ang limang pulgadang karayom nang hindi umano siya magpabale sa Candaba, Pampanga.

Sa ulat ni Emil Sumangil sa 24 Oras nitong Huwebes, kinilala ang biktima na si Lavinia Gulapa, 68-anyos, na nakitang wala nang buhay sa opisina ng kanilang warehouse sa Barangay Barangca. Lumabas sa imbestigasyon na nagtamo ng defense wounds at mga pasa sa likuran ang biktima, ngunit ikinasawi niya ang saksak sa kaniyang puso.Ginamit umanong murder weapon ng suspek ang isang karayom na pangtahi ng sako.Pagkagawa ng krimen noong Abril 2024, nakunan pa ang suspek na naglalakad sa highway dala-dala ang isang pulang bag na naglalaman umano ng P60,000 na kaniyang tinangay mula sa biktima, at isang handgun.

“Matagal na siyang nagserbisyo sa amin, wala naman kaming pinakitang hindi maganda. Ang hiling ko sana sa kaniya, harapin niya po ang kaso at sumuko na lang siya. Panagutan niya ang nangyari,” sabi ng anak ng biktima.“Ang nababalitaan ko po, nangangailangan siya ng pera. Meron na po siyang mga bale. Isa rin po sa narinig ko, may bisyo, nagdodroga,” anang anak ng biktima.“Gusto ko po sanang makulong ‘yung tao at pagdusahan ‘yung mga ginawa niyang pagpatay sa mother ko po.

Wir haben diese Nachrichten zusammengefasst, damit Sie sie schnell lesen können. Wenn Sie sich für die Nachrichten interessieren, können Sie den vollständigen Text hier lesen. Weiterlesen:

 /  🏆 11. in DE
 

Vielen Dank für Ihren Kommentar.Ihr Kommentar wird nach Prüfung veröffentlicht.

Deutschland Neuesten Nachrichten, Deutschland Schlagzeilen