Bahay ng suspek sa 'investment scam' hinalughog ng mga biktima

  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 27 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 14%
  • Publisher: 83%

Italia Notizia Notizia

Bahay ng suspek sa 'investment scam' hinalughog ng mga biktima
Italia Ultime Notizie,Italia Notizie

LANAO DEL NORTE - Nagulo ang loob ng bahay ng isang suspek sa investment scam nitong Huwebes matapos umanong halughugin ng mga nabiktima nito.

Ayon sa hepe ng Kapatagan Police Station na si Maj. Teodorico Gallego, nakatanggap sila ng mga ulat na nagpupumilt pumasok ang mga naging biktima umano ni Nilo Baterna upang kunin ang mga gamit dahil hindi na sila nababayaran sa kanilang ipinuhunan.

Ayon pa kay Gallego, Disyembre pa pumalya ang negosyo umano ni Baterna, kung saan forex umano ang kaniyang invetment. Anim ang nagreklamo ng estafa laban kay Baterna sa tanggapan ng pulis. Ang iba, dumiretso na sa kanilang abogado. Napigilan ang mga ito ng mga pulis, pero bumalik at mas dumami pa ang mga ito pagsapit ng hapon.

Nahuli si Baterna noong Hunyo 6, 2021 sa isang quarantine control point sa boundary ng Cagayan de Oro at Bukidnon dahil may kargang mga armas at bala ang kaniyang dalawang sasakyan.

Abbiamo riassunto questa notizia in modo che tu possa leggerla velocemente. Se sei interessato alla notizia puoi leggere il testo completo qui. Leggi di più:

ABSCBNNews /  🏆 5. in İT
 

Italia Ultime Notizie, Italia Notizie