Ito ang pagbabalik ng Bayanihan sa Greece na huling nagtanghal sa ikalawang pinamakalaking siyudad ng Greece noon pang 2006.
Humigit kumulang na 400 katao ang nanood ng gala performance, mula sa embassy at local officials, diplomatic corps, mga miyembro ng Filipino community at ng general public. Bumighani rin sa mga nakapanood ang mga sayaw ng Pistang Pilipino na kinakitaan ng impluwensya ng mahigit tatlong daang taong pananakop ng mga Kastila sa kapuluan.