Presyo ng galunggong sa ilang Metro Manila market tumaas na rin

  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 45 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 21%
  • Publisher: 83%

Portugal Notícia Notícia

Portugal Últimas Notícias,Portugal Manchetes

MAYNILA - Tumataas na ang presyo ng galunggong sa ilang pamilihan sa Metro Manila, batay sa monitoring ng Department of Agriculture.

Base sa monitoring ng DA, umaabot na sa P260 ang presyo ng kada kilo ng imported na galunggong. Nasa P280 naman kada kilo ang local na galunggong. Paliwanag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, isang attached agency ng DA, nagbukas na ang fishing season sa Palawan, na karaniwang pinanggagalingan ng supply ng galunggong sa Metro Manila, pero kakaunti pa lang ang nahuhuli sa ngayon.

“Medyo malamig pa at medyo magalaw pa ang tubig ngayon so medyo sabihin natin na medyo kulang ang supply but come March na ngayon, eh magsa-summer na, siguradong ano, pag may sun, may isda. Full moon pa ngayon, so medyo dispersed ang mga isda ngayon,” ani BFAR director Eduardo Gongona. Paliwanag ng isang tindero ng isda na si Christian Cavillar, kakaunti lang ang nahuhuli nila.

“Kung walang huli, o konti lang po yung huli, mas mataas po yung binibigay kasi siyempre mahirap po pumalaot,” ani Cavillar. Pero dagdag ng BFAR, masyadong mahal ang P240 hanggang P280 na presyo kaya iimbestigahan nila kung may nagmamanipula ng presyo. “We will conduct investigation. Titignan namin yung mga market ngayon. ‘Pag merong nagmamanipulate ng price nito sa market ay kailangan panagutin siya,” ani Gongona. Watch more in iWantTFC Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Resumimos esta notícia para que você possa lê-la rapidamente. Se você se interessou pela notícia, pode ler o texto completo aqui. Consulte Mais informação:

 /  🏆 5. in PT
 

Obrigado pelo seu comentário. Seu comentário será publicado após ser revisado.

Talagang tataas yan kung bumababa ang supply o huli, worst eh kung kumokonti na sila..

Hi sa TV Patrol March 3 2021 newscast broadcasted and I saw on YT: di nkamention na this photo was since 2018 mukha tuloy sinungaling reporter nu.

Portugal Últimas Notícias, Portugal Manchetes