Gagawin ito upang mabawasan ang dagsa ng tao sa pamilihan at mapatupad ang physical distancing lalo na't may isa nang naitalang kaso ng COVID-19 sa barangay, Batay sa inilabas na advisory ni Barangay Captain Armida CastelLunes: Residente ng K-1st, K-2nd, K-3rd, K-4th at Park AvenueMiyerkules: K-F, K-E, K-D/Erestain streets at
Bernardo compoundTuwing Biyernes naman papayagang makapamili ang sinumang residente ng Barangay Kamuning na hindi nakapamili sa schedule nila.Paalala ni Castel, magdala ng ID o kaya'y isulat ang inyong address sa inyong quarantine pass bilang patunay ng inyong area of residence para makapasok sa palengke. --Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News