Sa nakaraang episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," sinabi ni Police Lieutenant Colonel Ferdinand Casiano, Station 9 commander ng QCPD, na isang Beverly Santos, ang hinahanap nilang suspek sa investment scam.
Ayon kay Casiano, ilan sa mga nabiktima umano ni Santos ay nagpasok ng puhunan na P50 milyon, may P30 milyon, P20 milyon at P10 milyon. Ang pangako umano ng suspek, 10 porsiyentong interes o tubo sa ipapasok na puhunan, at may dagdag pang dalawang porsiyento kapag hindi kaagad naibigay ang kanilang komisyon sa loob ng tatlong linggo.
Ang masaklap pa, sinabi ng biktima na maging ang kaibigan niyang may cancer ay nadamay din sa panloloko umano ni Santos.