[Free to Disagree] Sabwatan ng mga doktor at drug companies

Healthcare Workers News

[Free to Disagree] Sabwatan ng mga doktor at drug companies
Pharmaceutical Industry,Public Health,Thought Leaders

Magkasalungat ang layunin ng drug companies na kumita nang malaki, at ang tungkulin ng mga doktor na magreseta ng pinakamura, pinakamabisa, at ligtas na gamot

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

Sa aking pananaw, ang puno’t dulo ng problema ay magkasalungat ang layunin ng mga drug companies at ang tungkulin ng mga doktor. Hangad ng drug companies na magbenta at palakihin ang tubo nila. Tungkulin ng mga doktor na magreseta ng pinakamura, pinakamabisa, at ligtas na gamot. Halimbawa, ang paracetamol ay pumasok sa merkado noong dekada 1950. Samakatuwid, ilang dekada nang ginagamit ito at ilang bilyong ulit na itong inireseta at ininom. Habang merong ilang nakaramdam ng side effects , napatunayan na ito ay safe and effective para sa ordinaryong tao.

, o ang pangalan ng sangkap na panlaban sa sakit na tinataglay ng gamot. Ang mga eksperto ang nagbibigay ng non-proprietary names sa mga sangkap na ito. Ang brand name naman ay ang pangalan na ibinibigay ng drug company sa gamot. Ang paracetamol ang non-proprietary name na laman ng iba’t ibang brand ng sangkap na ito na gawa ng iba’t ibang kompanya simula na mag-expire ang patent ng orihinal na kumpanya noong 2007. Ang tip ko sa mambabasa: kung naghahanap kayo ng paracetamol ay sabihin sa pharmacy na nais ninyong bilhin ang pinakamurang generic ng paracetamol.

Pero hindi ito ang madalas na nangyayari. “Maingay” ang marketing ng drug companies. Free sample dito, free conference dito, free ballpens, t-shirts, visors, mugs, at kung ano-ano.

 

United States United States Latest News, United States United States Headlines



Render Time: 2025-01-10 21:08:45