19,000 trabaho alok sa IT-BPM industry; OFWs bibigyang-prayoridad

  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 67 sec. here
  • 3 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 30%
  • Publisher: 83%

Business News News

Business Business Latest News,Business Business Headlines

MAYNILA - Aabot sa 19,000 trabaho ang inaalok ngayon sa sektor ng information technology and business process management , at prayoridad dito ang mga aplikanteng overseas Filipino worker na napilitang

umuwi sa bansa dahil sa coronavirus disease pandemic.

Sa bisa ito ng partnership ng Department of Labor and Employment sa IT and Business Process Association of the Philippines . "Ongoing ngayon yung profiling natin. Nag-submit tayo ng mga around 15,000 profiles of OFWs sa IBPAP… Itong mga interested companies they can directly contact ito pong ating mga OFWs po," ani DOLE Assistant Sec. Dominique Tutay.

Sa datos ng DOLE, mahigit 263,000 ang mga umuwing OFW dahil sa pandemya at inaasahan pa ang pag-uwi ng mahigit 100,000. "Yung mga workers po natin who are in the medical field na bumalik po dito sa ating bansa... Their competencies will be useful pagdating po sa halimbawa medical coding o kaya medical transcription, or even 'yung pagbibigay ng payo online," ani Tutay.

Ayon naman sa IBPAP, nakasabay ang mga IT-BPM company sa pandemya sa pamamagitan ng work-from-home setup at inaasahang dadami pa ang kanilang job vacancy. "From those 10 to 15 companies that we've spoken to, we've already accumulated a total of 30,000 job vacancies that we are anticipating over the next few months," ani IT-BAP President Rey Untal. Kung hindi naman OFW ay maaaring magtungo sa Trabaho, Negosyo, Kabuhayan website ng DOLE kung saan 10,000 ang job vacancy, kung saan karamihan ay sa IT-BPM industry, manufacturing, at logistics.

 

Thank you for your comment. Your comment will be published after being reviewed.
Please try again later.

Pare-pareho lang naman nawalan ng trabaho sa Pinas o sa abroad. Bakit priority sila?

We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

 /  🏆 5. in BUSİNESS

Business Business Latest News, Business Business Headlines