"Nagsagawa ng enhanced targeted mass testing ang City Health Office ng Marikina na bahagi ng puspusang precautionary measures ng lungsod. Ito ay istratehiya ng Marikina upang maging COVID-free ang nasabing palengke at kung may kaso ng COVID-19 ay agarang ma-contain ito," ayon kay si Dr. Mon Viliran sa Facebook post ng Marikina Public Information Office.
Batay sa datos ng opisyal, sa 2,000 na nai-test na stall holders, vendors, porters, at helpers, may lumabas sa inisyal na 66 ang reactive na indibidwal. "Mabuti nang mas maaga pa lang ay ma-treat na ang mga reactive upang hindi mag-deteriorate ang kanilang kalusugan, at higit sa lahat ay ma-isolate upang hindi na makahawa pa. Ito ang ginawa natin ngayong araw sa tulong ng Brgy. Sta. Elena," dagdag pa niya.
Canada Canada Latest News, Canada Canada Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Source: CNN Philippines - 🏆 13. / 63 Read more »