Hindi na gaya ng dati na buong araw bukas ang pamilihang bayan ng Galas dahil sa enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Nagpaskil na ang Barangay San Isidro ng mga karatula sa entrada ng palengke hinggil sa limitadong oras.Sa hapon naman, alas-3 hanggang alas-5 lamang maaaring magtungo doon. Bukod sa oras, limitado na rin ang pwedeng mamalengke. Tanging edad 18-anyos pataas lamang ang pwedeng papasukin at dapat mayroon silang dalang identification card.Tiniyak naman ng palengke na walang magiging kakulangan sa supply ang kanilang wet and dry market.
Samantala, may mga kalsada rin na isinara sa barangay para malimitahan ang paglabas at pagpasok ng mga tao.
Wir haben diese Nachrichten zusammengefasst, damit Sie sie schnell lesen können. Wenn Sie sich für die Nachrichten interessieren, können Sie den vollständigen Text hier lesen. Weiterlesen: