Nasa 120 to 200 stalls ang itinayo ng magkakaharap at nilagyan pa ng trapal sa gilid ng service road.Ayon kay Jun Burgos ang Public Information Officer ng Pasay tulong ito ng lungsod para bigyan ng pagkakakitaan ang mga vendor na naapektuhan ng clearing operations na isinagawa sa Baclaran pati sa Taft Avenue.Umaasa naman ang mga vendor na makakabawi sila ng kita sa pagbebenta.
“Sana po tuloy-tuloy ang pagtitinda namin kasi po simula nang mademolish kami dito wala na po kaming hanap-buhay. So malaking tulong po ito. Sana po kumita kami ng konti kasi yung pambayad sa bahay, ilaw, tubig, saan po kami kukuha kung di kami makapagtinda,” Maulida Sarep.Buong Disyembre tatagal ang night market. Pinapayuhan pa rin ang mamimili na sumunod sa minimum health protocol tulad ng physical distancing, pagsusuot ng face shield at mask.