Sa Balintawak Market sa Quezon City, hindi na alintana ng mga mamimili ang nagtaasang presyo ng mga bilihin.
Giit nila, may pandemya man at mahirap ang buhay ngayong taon, kahit papaano ay dapat pa ring ipagdiwang ang Pasko.Ang manok, P150/kilo ang presyo, ang bangus ay P170/kilo, at ang tilapia ay P110/kilo. Mahigpit naman ang pagpapatupad ng health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield, at pag-a-alcohol.
May mga guwardya at ilang pulis ring nagbabantay para mapanatili ang physical distancing sa palengke.Watch more in iWantTFC Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.