DA naglunsad ng malawakang programa para ibangon ang hog industry

  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 50 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 23%
  • Publisher: 83%

Deutschland Nachrichten Nachrichten

Deutschland Neuesten Nachrichten,Deutschland Schlagzeilen

Target ng Department of Agriculture na maibangon sa loob ng 3 hanggang 5 taon ang local hog industry.

Watch more in iWantTFC MAYNILA — Target ng Department of Agriculture na maibangon sa loob ng 3 hanggang 5 taon ang local hog industry matapos mamatay ang milyon-milyong baboy dahil sa African swine fever . Sa datos ng Philippine Statistics Authority, bumaba sa 9.72 million heads ang baboy sa bansa mula sa 12.80 million noong Enero 2020 na katumbas ng 24.1% na kabawasan.

Inilunsad ng DA ang INSPIRE program o Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion na may budget na P2.6 bilyon, para sa mga sumusunod: Ipapatupad na rin ng DA ang clustering ng mga piggery. Ibig sabihin, hindi na puwede ang tig-iisang piggery sa bawat backyard hog raiser.

Ite-testing din sa loob ng isang buwan ang antiviral compounds na gawa sa fermented essential oils para maiwasan ang pagkalat ng ASF. "Idi-dillute yung solution sa container at ito na yung i-powerspray mo sa hog population even to the mouths and noses of the hogs and malalanghap nila and that will kill the virus. The other one is misting or fogging, meron silang fogging facility, they fermented essential oil that can disrupt cell that will disrupt the virus so the virus can be easily killed," sabi ni DA Secretary William Dar.

Ani Dar, kapag nagtagumpay ang mga proyekto ay posibleng maibangon ang local hog industry sa loob ng 3 hanggang 5 taon.

Wir haben diese Nachrichten zusammengefasst, damit Sie sie schnell lesen können. Wenn Sie sich für die Nachrichten interessieren, können Sie den vollständigen Text hier lesen. Weiterlesen:

 /  🏆 5. in DE
 

Vielen Dank für Ihren Kommentar.Ihr Kommentar wird nach Prüfung veröffentlicht.

Deutschland Neuesten Nachrichten, Deutschland Schlagzeilen