MAYNILA—Hinimok ng dalawangs senador si Agriculture Sec. Wiliam Dar na ipaalala kay Pangulong Rodrigo Dutete ang rekomendasyon ng kagawaran na magdeklara na ng state of calamity sa industriya ng baboy.
Aniya, kinakailangan na ang deklarasyon ng state of calamity upang mapakilos ang gobyerno, mga lokal na pamahalaan at mapondohan ang mga kinakailangang gawing proyekto. Mahalaga rin umano ang deklarasyon upang makapaglabas na ng pondo para sa biosecurity at repopulation o muling pagpapadami ng populasyon ng baboy sa bansa, ayon kay Sen. Miguel Zubiri.
Giit pa ng mga senador, kulang ang pondong ilalaan ng DA upang mabilis na makabawi ang industriya at mapababa muli ang presyo ng karneng baboy.