Ayon sa hepe ng Kapatagan Police Station na si Maj. Teodorico Gallego, nakatanggap sila ng mga ulat na nagpupumilt pumasok ang mga naging biktima umano ni Nilo Baterna upang kunin ang mga gamit dahil hindi na sila nababayaran sa kanilang ipinuhunan.
Ayon pa kay Gallego, Disyembre pa pumalya ang negosyo umano ni Baterna, kung saan forex umano ang kaniyang invetment. Anim ang nagreklamo ng estafa laban kay Baterna sa tanggapan ng pulis. Ang iba, dumiretso na sa kanilang abogado. Napigilan ang mga ito ng mga pulis, pero bumalik at mas dumami pa ang mga ito pagsapit ng hapon.
Nahuli si Baterna noong Hunyo 6, 2021 sa isang quarantine control point sa boundary ng Cagayan de Oro at Bukidnon dahil may kargang mga armas at bala ang kaniyang dalawang sasakyan.