Sa ulat ni John Consulta sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, makikita ang pagdakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation Anti-Fraud Division sa suspek na kinilalang si Aldrin Oleta matapos tanggapin ang marked money.Sinabi ng NBI na may dumulog sa kanilang nabiktima ng investment scam ng suspek, na pinangakuan ng malaking kita kung mamumuhunan sa piggery business.
"Kailangan niyang mag-invest ng pera para sa kanilang piggery business at ang magiging hatian ay 30-70. Lumalabas na scam lang pala ang lahat ng ginawa ng suspek sa ating complainant," sabi ni Atty. Gisele Garcia-Dumlao, spokesperson ng NBI. "Meron siyang tseke na ii-issue sa iyo as a guarantee na hindi ka niya maloloko. Pero ano ang nangyari? Nawala rin lahat," sabi ng complainant na si"Rina," hindi niya tunay na pangalan.
"Wala talaga sir na baboy. As in pumunta ako roon sa location, walang baboy. Sobrang sakit po kasi 'yung insurance na nakuha ko nang mamatay ang father ko, napunta sa kaniya," dagdag ni Rina.Tumangging magbigay ng pahayag ang salarin.