Sa entrapment operation ng NBI Anti-Fraud Division noong Huwebes, pinasok ng nagpanggap na investors ang opisina ng Right Circle Trading sa Quezon City.
Pinangakuan sila na kikita ang ipapasok nilang pera nang 50 percent pagkatapos ng 20 araw, at 100 percent naman pagkatapos ng 30 araw.Dahil dito, inaresto ng NBI agents ang 8 suspek na naabutan sa opisina. "Pag may pumasok na investor, ang sinasabi nila mag-engage sila sa forex trading at nag-create ng artificial intel na may guarantee na 5 to 10percent na daily income," sabi ni Atty. Irvin Garcia, hepe ng NBI-AFAD.Kulong ang 8 suspek sa kasong syndicated estafa, violation ng SEC code, at E-Commerce Act.