Heavy equipment ng isang construction company, sinunog sa South Cotabato

  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 41 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 20%
  • Publisher: 83%

日本 ニュース ニュース

日本 最新ニュース,日本 見出し

T'BOLI, South Cotabato - Sinunog ng apat na armadong lalaki ang tatlong heavy equipment kabilang ang isang backhoe, payloader, at dump truck ng isang construction company sa quarry site sa Barangay Ed

T'BOLI, South Cotabato - Sinunog ng apat na armadong lalaki ang tatlong heavy equipment kabilang ang isang backhoe, payloader, at dump truck ng isang construction company sa quarry site sa Barangay Edwards, T'Boli, South Cotabato alas-3 ng hapon nitong Lunes.

Ayon sa officer-in-charge ng T'Boli Police Station na si Police Major Irish Hezron Parangan, lumabas sa kanilang imbestigasyon na habang naghuhukay ang mga operator ay bigla na lang sumulpot ang mga armadong lalaki. Tatlo ang nanutok ng baril, habang ang isa ay isa-isang sinilaban ang mga heavy equipment.

“Initially 'yung sabi po ng mga driver, pinababa sila, lumapit sa kanila, tapos bumaba sila, tapos sinunog na po 'yung sasakyan nila,” ayon kay Parangan.Patuloy namang iniimbestigahan ang insidente at kinikilala na ng mga pulis ang mga salarin. Iniimbestigahan na rin ang operasyon ng kompanya dahil hindi umano sila nakakuha ng permiso mula sa lokal na pamahalaan para magsagawa ng quarrying sa lugar.Tinatayang nasa P20 milyon ang halaga ng pinsala sa mga heavy equipment.

 

コメントありがとうございます。コメントは審査後に公開されます。
このニュースをすぐに読めるように要約しました。ニュースに興味がある場合は、ここで全文を読むことができます。 続きを読む:

 /  🏆 5. in JP

日本 最新ニュース, 日本 見出し