Ilang oil companies nag-anunsiyo ng rollback sa petrolyo simula Hulyo 27

  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 28 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 15%
  • Publisher: 83%

대한민국 뉴스 뉴스

대한민국 최근 뉴스,대한민국 헤드 라인

Nag-anunsiyo ang ilang oil companies na magkakaroon sila ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo simula Hulyo 27.

Simula alas-6 ng umaga ng Hulyo 27 aarangkada ang rollback ng Shell, na may P0.75 bawas-presyo sa gasolina at P0.60 rollback sa kerosene at diesel.

Ang CleanFuel at Petro Gazz, may P0.60 kada litrong bawas sa diesel at P0.75 kada litrong bawas sa gasolina. Aarangkada alas-8:01 ng umaga ng Hulyo 27 ang rollback ng Cleanfuel habang alas-6 ng umaga naman magsisimula ang rollback sa Petro Gazz. Bago ang rollback, siyam na linggong sunod-sunod ang dagdag-presyo sa gasolina na aabot sa hanggang P5.25 kada litro. Pitong magkakasunod na linggo namang puro taas din ang presyo ng kerosene na umabot sa lagpas P3 kada litro. Watch more on iWantTFC Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

 

귀하의 의견에 감사드립니다. 귀하의 의견은 검토 후 게시됩니다.
이 소식을 빠르게 읽을 수 있도록 요약했습니다. 뉴스에 관심이 있으시면 여기에서 전문을 읽으실 수 있습니다. 더 많은 것을 읽으십시오:

 /  🏆 5. in KR

대한민국 최근 뉴스, 대한민국 헤드 라인