MAYNILA - Naglunsad ng programa ang Department of Trade and Industry na layong matulungan ang mga maliliit na negosyo sa Region 2 sa gitna ng coronavirus disease 2019 pandemic.
Inilunsad ng DTI ang 'Bagsakan' kung saan makakabili ang taga-NCR ng mga produkto ng Cagayan Valley para matulungan ang mga magsasaka at maliliit na negosyo. pic.twitter.com/9EzJiubeVMIto ang “Bagsakan” program na nais maabot ang mga magsasaka at maliliit na negosyo sa Cagayan Valley region na kinabibilangan ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino.
Ito'y para matulungan ang mga micro, small and medium scale enterprises ngayong panahon ng pandemya. Marami aniyang maliliit na negosyo ang apektado ngayon. Dadalhin ang iba't ibang produkto sa Metro Manila gaya ng saging, citrus fruits, dragon fruit, rattan fruit, golden queen mangoes, native garlic, talong, ampalaya at marami pang iba. Mayroon ding mga processed food gaya ng Tuguegarao premium longganisa, chicharabao, pineapple jam, fruit wine, Cagayan coffee at marami pang iba. Kailangan um-order muna direkta sa mga seller. Makikita ang contact number at listahan ng mga produkto sa Facebook page ng Bureau of Domestic Trade Promotion .