Watch more in iWant or TFC.tv Isinailalim sa lockdown ang Zapote Public Market sa Bacoor City, Cavite matapos mag-positibo sa COVID-19 ang mga nagtitinda at marshal.
Simula nitong umaga ng Martes, isinara ang mga daan papunta sa palengke at nakabantay na rin ang mga awtoridad doon.Ayon kay Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla, nagsasagawa na ng contact tracing ang lokal na pamahalaan sa mga suki ng mga nag-positibong nagtitinda sa palengke. Tatagal ang lockdown hanggang Agosto 18 at hindi papayagang magbukas ng kanilang mga puwesto ang mga nagtitinda kung hindi nagpa-swab test at walang health certificate.Sa Oriental Mindoro, hiniling naman ni Mayor Arnan Panaligan sa lokal na Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na isailalim din sa modified enhanced community quarantine ang Calapan City sa loob nang 2 linggo dahil sa pagdami ng mga tinatamaan ng COVID-19.
Lumala na nang lumala ang virus na China ng China sa ating bansa.Layas China ChinaVirus