32 tindero sa Banate Public Market sa Iloilo, nagpositibo sa COVID-19

  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 22 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 12%
  • Publisher: 83%

ประเทศไทย ข่าว ข่าว

ประเทศไทย ข่าวล่าสุด,ประเทศไทย หัวข้อข่าว

Nagpositibo sa COVID-19 ang 32 vendors sa Banate Public Market sa Iloilo base sa lumabas na RT-PCR test ngayong Huwebes.

Kinumpirma ni Mayor Carlos Cabangal ng Banate, Iloilo, na unang may nagpositibo sa COVID-19 sa fish section ng palengke noong isang araw, kaya napag desisyunan na ipa-swab test ang nasa 150 na fish vendors. Nang lumabas ang resulta, 32 sa kanila ang nagpositibo sa virus.

Nasa quarantine facility na ng bayan ang mga nagpositibo sa COVID-19, habang naka-home quarantine naman ang kanilang pamilya. Mahigit 150 pa na mga vendors ang sumailalim sa swab test at ngayong Biyernes pa malalaman ang resulta.Sa ngayon ay humihingi ng kooperasyon ang lokal na pamahalaan ng Banate sa mga residente na mahigpit na sundin ang health protocol upang maiwasan ang pagkalat ng sakit. - ulat ni Rolen Escaniel

 

ขอบคุณสำหรับความคิดเห็นของคุณ ความคิดเห็นของคุณจะถูกเผยแพร่หลังจากได้รับการตรวจสอบแล้ว
เราได้สรุปข่าวนี้มาให้อ่านอย่างรวดเร็ว หากสนใจข่าว สามารถอ่านฉบับเต็มได้ที่นี่ อ่านเพิ่มเติม:

 /  🏆 5. in TH

ประเทศไทย ข่าวล่าสุด, ประเทศไทย หัวข้อข่าว